Magkapatid na pumatay sa nurse, nadakip
August 11, 2002 | 12:00am
Inaresto kahapon ng mga tauhan ng pulisya sa Caloocan City ang isang magkapatid na suspect sa pagpaslang sa isang lalaking nurse, may dalawang buwan na ang nakakalipas sa nabanggit na lungsod.
Ang mga suspect na dinakip sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Silvestre Bello Jr., ng Caloocan RTC Branch 128 ay nakilalang sina Joel, 23 at Aljovel Pascual, 18, ng Libis Talisay ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa pulisya, ang dalawa ay itinuturong responsable sa pagpaslang sa biktimang si Helario Pelenia, 44, isang nurse sa St. Dominic Hospital sa Bacoor, Cavite at kapitbahay ng magkapatid.
Base sa ulat, naganap ang krimen noong nakalipas na Hunyo 12 dakong alas-7 ng gabi sa harap ng bahay ng biktima.
Nag-ugat ang pag-aaway ng biktima at ng magkapatid dahil lamang sa nawawalang super kalan ng una at ang pinagbibintangan ay ang matandang Pascual.
Dahil dito nagkaroon ng komprontasyon hanggang sa barilin ng sumpak ng mga suspect ang nurse na naging daan ng pagkasawi nito.
Halos dalawang buwan ding nagtago ang mga suspect hanggang sa matunton ng pulisya ang kanilang pinaglulunggaan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am