Sinabi ng Korte na wala umano sa kanilang hurisdiksyon na desisyunan ang kaso.
Batay sa ipinalabas na limang pahinang Omnibus Order ni Judge Alfredo Flores ng Pasig RTC Branch 156 na wala silang kapangyarihan na pahintuin ang Manila Electric Company (Meralco) at National Power Corporation (NAPOCOR) sa pangongolekta ng PPA sa milyong mga konsumer nito sa bansa.
Gayunman, hindi rin kinatigan ni Flores ang mosyon na isinampa ng NPC at Meralco na ikonsiderang idismis ang kanilang kaso sa Korte.
"Maituturing na ito ay win-win solution sa magkabilang panig. Ang tanging paraan ay ang isampa ng dalawang panig ang kaso sa Korte Suprema," pahayag ni Flores.
Sa halip, pinanindigan ni Flores na ang kontrata ng NPC sa ibat ibang Independent Power Producers (IPPs) ay alinsunod sa probisyon ng Republic Act of 6957 o ang Build Operate Transfer Law.
Kaugnay nito, inatasan ni Flores ang kanyang mga staff na ideliber ang kopya ng kanyang kautusan kina Enrile at iba pang grupo na kumukuwestiyon sa ipinapataw na PPA sa singil sa kuryente. (Ulat ni Joy Cantos)