Kaso vs Strunk hiling gawing murder imbes na parricide
August 10, 2002 | 12:00am
Dahil sa hindi agad napawalang bisa ang unang kasal ng napaslang na aktres na si Nida Blanca, hihilingin ng kampo ng anak nitong si Kaye Torres na mai-amend ang kaso laban sa asawang dayuhan na si Rod Lauren Strunk, mula sa parricide sa kasong murder.
Samantala, nakatakdang mangalap ang grupo ng mga artista sa pangunguna nina comedy king na si Dolphy, Fernando Poe Jr. at Rudy Fernandez ng halagang isang milyong piso para makatulong sa gastusin ng pamilya Blanca habang dinidinig ang kaso nito.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) director Reynaldo Wycoco, maghahain ang abogado ni Kaye Torres na si Atty. Harriet Demetriou ng amendment upang maibaba buhat sa parricide patungo sa kasong murder ang isasampang kaso laban kay Strunk.
Ito ay makaraang mabatid ni Demetriou na hindi pala tuluyang napawalang bisa o nai-annuled ang kasal ni Nida sa kanyang unang asawa na ama ni Kaye na si Ruth Torres. Bunga nitoy hindi maituturing na legal na mag-asawa sina Nida at Strunk sa kabila ng napawalang-bisa naman ang kasal ng huli sa asawa nito sa Las Vegas, Nevada.
Layunin din nito, na maiwasan ang anumang legal na teknikalidad sa pagdinig sa kaso.
Samantala, nabatid na nagsimula nang mangalap ng isang milyong pondo ang mga kasamahang artista ni Nida para naman maitulong sa naiwan nitong pamilya sa mga gastusin sa isasagawang mga pagdinig sa kaso.
Ito umano ay isang paraan ng pagpapakita ng kanilang suporta para mabilis na matamo ang katarungan sa nasawing premyadong aktres.
Ang preliminary investigation sa kaso ni Nida ay itinakda ng DOJ na ganapin sa darating na Lunes, Agosto 12.(Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended