Bus terminal grinanada: 6 sugatan
August 9, 2002 | 12:00am
Anim katao ang malubhang nasugatan makaraang pasabugan ng granada ang isang bus terminal sa Brgy. Camarin, Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Karamihan sa mga nasugatan ay pawang empleyado ng Joyselle Express Inc., na may terminal sa nabanggit na lugar.
Nakilala ang mga sugatan na sina Joel Cura, 24; Mario Lucero, 44; Ruben Quirino, 56; Ricardo Marcilla, 34; Jayson Patriarca at Jimmy Lano.
Sinabi ng pulisya na ang isa sa dalawang suspect ay nakilalang dating miyembro ng unyon ng naturang bus company.
Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na inatake ang naturang bus terminal. Binanggit pa sa ulat na noong nakalipas na Hunyo ng taong kasalukuyan dalawang air conditioned bus ang sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng unyon na tinanggal ng pamunuan ng Joyselle.
Ayon pa sa mga opisyal ng bus company na palagi silang nakakatanggap ng pagbabanta buhat sa mga sinibak na miyembro ng unyon at ang grenade explosion ay pinaniniwalaang gawa din ng mga dating empleyado.
Base sa report naganap ang pagsabog dakong alas-10:30 ng gabi habang karamihan sa mga drivers, conductors at mga manggagawa ay nag-iimpake ng kanilang gamit para sa kanilang pag-uwi.
Dalawang lalaking lulan ng motorsiklo ang naispatan na lumapit at naghagis ng granada sa naturang bus terminal.
Bukod sa mga nasugatan, anim pang airconditioned buses ang naapektuhan sa naganap na pagsabog.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest