Kinilala ni Aviation Security Group (ASG) Chief Supt. Marcelo Ele Jr. ang nadakip na suspect na si Adjang Adjawani, 44, ng Sta. Catalina Kasulutan, Zamboanga City.
Nabatid na napansin ng mga tauhan ng ASG ang nakaumbok sa harapang bahagi ng suspect. Sumagot naman ang suspect na mayroon siyang bisita o monthly period at siya ay may suot na sanitary napkin.
Inimbitahan si Adjawani ng isang babaeng security agent sa isang kuwarto at doon ay ipinahubad dito ang underwear. Doon natuklasan na nakadikit sa sanitary napkin ang packet ng shabu na tumitimbang ng may 150 gramo.
Binanggit pa sa ulat na mga kababaihan ang siyang ginagamit ng sindikato ng droga sa pagta-transport ng ipinagbabawal na droga patungong South. (Ulat ni Butch Quejada)