^

Metro

Droga nasamsam sa sanitary napkin

-
Isang babae na courier ng ipinagbabawal na gamot ang naaresto kahapon bago pa man ito makasakay sa isang domestic flight patungong Zamboanga, matapos siyang mabuking na nagtatago ng shabu sa suot na sanitary napkin.

Kinilala ni Aviation Security Group (ASG) Chief Supt. Marcelo Ele Jr. ang nadakip na suspect na si Adjang Adjawani, 44, ng Sta. Catalina Kasulutan, Zamboanga City.

Nabatid na napansin ng mga tauhan ng ASG ang nakaumbok sa harapang bahagi ng suspect. Sumagot naman ang suspect na mayroon siyang ‘bisita’ o monthly period at siya ay may suot na sanitary napkin.

Inimbitahan si Adjawani ng isang babaeng security agent sa isang kuwarto at doon ay ipinahubad dito ang underwear. Doon natuklasan na nakadikit sa sanitary napkin ang packet ng shabu na tumitimbang ng may 150 gramo.

Binanggit pa sa ulat na mga kababaihan ang siyang ginagamit ng sindikato ng droga sa pagta-transport ng ipinagbabawal na droga patungong South. (Ulat ni Butch Quejada)

ADJANG ADJAWANI

ADJAWANI

AVIATION SECURITY GROUP

BINANGGIT

BUTCH QUEJADA

CATALINA KASULUTAN

CHIEF SUPT

INIMBITAHAN

MARCELO ELE JR.

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with