Parak dedo sa bus holdap
August 8, 2002 | 12:00am
Isang tauhan ng pulisya ang napatay, samantalang tatlo pang pasahero ang nasugatan sa naganap na shootout sa loob mismo ng isang air-conditioned passenger bus sa naganap na holdap sa loob ng North Luzon Expressway na umabot hanggang sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawing pulis na si PO3 Oliver Benedicto, 30, nakatalaga sa Northern Police District Command. Bukod sa tama ng bala ng baril nagtamo rin ang nabanggit na pulis ng 14 na saksak sa katawan.
Sa ulat ng pulisya naganap ang holdapan dakong alas- 7 ng gabi sa loob ng Viva Aladdin Bus buhat sa San Fernando, Pampanga.
Labing-anim katao umano ang lulan ng bus nang magpahayag ng holdap ang limang armadong suspect.
Habang tumatakbo sa expressway ay kinulimbat na ng mga suspect ang mga pera at alahas ng mga pasahero.
Si Benedicto na nakaupo sa hulihang bahagi ng bus ay hindi nawalan ng loob at pinaputukan ang mga suspect. Isa sa mga ito ay kanyang tinamaan.
Gayunman, agad na nakaganti ng putok ang isa pa sa mga suspect at tinamaan ang pulis. Matapos bumulagta ay pinutakti pa ng saksak ng mga suspect ang pulis.
Ang holdap sa bus ay tumagal pa ng may dalawang oras hanggang sa makarating sa Muñoz na doon bumaba ang tatlo sa mga suspect kasama ang sugatan. Habang ang dalawa naman ay bumaba sa may Quezon Avenue. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended