Mathay, Binay absuwelto sa Payatas tragedy

Ibinasura ng Ombudsman ang mga kasong multiple homicide thru reckless imprudence at anti-graft and corrupt practices act laban kay dating Quezon City Mayor Ismael Mathay Jr., dating Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Jejomar Binay at Brgy. Capt. Emerita Pecson kaugnay ng naganap na "Payatas tragedy" noong Hulyo 10, 2000.

Base sa anim na pahinang resolusyon ng Office of the Ombudsman, kailangan umanong iresolba sa korte ang kasong sibil bago maresolba ang kasong kriminal.

Binigyang-diin pa ng Ombudsman na kapag natapos na ang pagdinig sa kasong sibil ay maaari nang muling magsampa ng kaso ang mag-asawang complainant na sina Domingo at Clarita Garduque kasama ang 23 iba pa para sa muling pagbubukas ng kaso.

Nabatid na kabilang ang tatlong apo nina Garduque na nakasama sa trahedya matapos na mabaon nang buhay ang mga ito nang gumuho ang bundok ng basura.

Kapag naisampa na umano ang kasong sibil ay kailangang patunayan ng korte na nagkaroon ng kapabayaan sina Mathay, Binay at Brgy. Capt. Pecson kung kaya’t naganap ang nasabing trahedya. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments