Japanese CEO, namatay o pinatay?

Palaisipan sa pulisya ang pagkamatay ng isang Japanese trader na presidente ng isang kompanya ng sasakyan makaraang matagpuan itong patay kahapon ng umaga sa tinutuluyan nitong condominium sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Makoto Hisano, 58, ng Unit 71, Cosmopolitan Tower, ng 134 Valero St., Salcedo Village ng nabanggit na lungsod.

Si Hisano na tubong Fukuoka, Japan at presidente ng Nissan Diesel Inc.

Ayon kay PO2 Jovenal Barbosa, dakong alas-6:10 ng umaga nang matagpuan ang biktima ng kanyang katulong na nakilalang si Myrna Cabilitan.

Sa kasalukuyan hindi pa mabatid kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng dayuhan habang isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments