^

Metro

Kaye Torres nabuhayan ng loob sa kaso ni Nida

-
Matapos ang ilang buwang pagkadismaya sa bagal ng pag-usad ng kaso ng pagkamatay ng kanyang inang si Nida Blanca, nabuhayan ng loob ngayon si Kaye Torres sa muling pagsigla ng kaso kung saan umaasa siyang tuluyang mapaparusahan na ang mga taong sangkot sa naturang krimen kabilang na ang pinaghihinalaang stepfather niyang si Rod Strunk.

Nakangiti na ngayon si Torres sa magandang takbo ng kaso kung saan nakatakdang magsagawa ng preliminary investigation sa Dept. of Justice (DOJ) sa Agosto 12 upang makapagpalabas na ng warrant of arrest sa mga nauna nang kinasuhan na suspect.

Bukod kay Strunk, sinampahan ng kasong murder ang kontrobersyal na si Philip Medel, isang John Doe, at isang Jane Doe. Kinasuhan din ng obstruction of justice ang tatlong security guard ng Atlanta Towers sa Greenhills, San Juan kung saan naganap ang krimen.

Dumalo kahapon si Torres sa isang case conference kahapon sa Camp Crame kasama ang mga tauhan ng DOJ, Criminal Investigation and Detection Group at ng Task Force Marsha upang paghandaan ang kanilang presentasyon sa naturang preliminary investigation.

Sinabi ni Torres na unti-unti nang nabibigyan ng linaw ang kaso ng kanyang ina bunsod na rin ng paglutang ng mga testigo sa insidente.

Nagpahayag naman si Harriette Demetriou, abogado ng nasawing aktres, ng interes na maging isa sa private prosecutor ng kampo ni Torres.

Naniniwala rin ito na walang silbi ang ginawang pagbawi ng testimonya ni Medel noong Nobyembre dahil sa hindi naman nito nailagay ng pormal sa isang affidavit. (Ulat ni Danilo Garcia)

ATLANTA TOWERS

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

HARRIETTE DEMETRIOU

JANE DOE

JOHN DOE

KAYE TORRES

NIDA BLANCA

PHILIP MEDEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with