^

Metro

Ex-lover ni Ruffa Gutierrez tiklo sa rape

-
Dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang dating matinee idol na naging kasintahan ng aktres na si Ruffa Gutierrez na si Dennis da Silva, matapos itong ipagharap ng kasong rape ng isang dalagita na anak ng kanyang live-in-partner, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Si da Silva, 29, ng 20 Monte De Piedad St., Vestra Villa, Brgy. San Antonio Valley ng nabanggit na lungsod ay dinakip kasama ang kanyang live-in partner na si Marilyn Paz, 41, ng nabanggit ding lugar.

Samantala, ang biktima na itinago sa pangalang Cristina ay anim na buwan nang buntis matapos halayin ng suspect.

Base sa salaysay ng biktima, una siyang pinagsamantalahan ni da Silva noong nakalipas na Oktubre 2001 sa Antipolo City matapos siyang pasamahin dito ng kanyang ina sa naturang lugar. Ito ay nasundan pa umano ng maraming beses hanggang sa siya ay tuluyan nang mabuntis.

Ang pinakahuli umano ay kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang bahay.

Ang naturang insidente ay hindi naitago sa ilan nilang kasambahay na siyang nagparating sa kanyang ina.

Bagamat kinompronta siya ng kanyang ina at sinabi niya dito ang kahayukang ginagawa sa kanya ng ka-live-in ay hindi siya pinaniwalaan at ang ipinagtanggol pa ay si da Silva.

Sinabihan pa umano siya ng kanyang ina na maaaring inakit niya ang aktor kaya siya ginawan ng masama.

Dahil dito, kasamang dinakip ang ina ni Cristina.

Sa himpilan ng pulisya, itinanggi ni da Silva na hinalay niya ang biktima kasabay nang pagsasabing may relasyon sila nito. Inamin din nito na kapwa niya mahal ang mag-ina.

Magugunitang si da Silva ay dating matinee idol at naging miyembro ng That’s Entertainment na naging nobyo naman ni Ruffa Gutierrez.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BAGAMAT

BRGY

CRISTINA

LORDETH BONILLA

MARILYN PAZ

MONTE DE PIEDAD ST.

RUFFA GUTIERREZ

SAN ANTONIO VALLEY

VESTRA VILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with