^

Metro

Preso binoga ng jailguard, patay

-
Isang preso ang nabaril hanggang sa nasawi matapos umanong agawin ng una ang service fire arm ng isang jailguard sa Pasay City Jail.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan buhat sa hindi nabanggit na kalibre ng baril ang biktima na nakilalang si Elepsin P. Delfin, 25, residente ng Talaba, Bacoor, Cavite at may kasong Comelec Gun Ban sa ilalim ng Criminal Case No. 01-0831 sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 115. Nahaharap pa sa hiwalay na kaso ng RA 6425 (drugs) at assault upon agent of person in authority si Delfin.

Samantala, sumuko naman kay Deputy Warden Senior Inspector Greg O. Sibug si Jail Officer 1 Joel D. Cabrera, miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon sa imbestigasyon ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-2 kamakalawa ng hapon sa nabanggit na kulungan.

Nabigla ang suspek nang sampalin siya ni Delfin na paraan ng pagbibiro ng naturang preso.

Kasunod nito ay ang pag-agaw ni Delfin ng service firearm ni Cabrera na noo’y nakasukbit sa kanyang baywang. Dito nagalit si Cabrera at nagpambuno ang dalawa hanggang sa makalabit ng suspect ang kanyang baril at tinamaan ang biktima.

Kaagad na isinugod nina JO1 Ronnie Bale at Danilo Magyano si Delfin sa nabanggit na ospital subalit namatay habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor.

Nahaharap sa kasong homicide sa Pasay City Prosecutors Office si Cabrera at patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

vuukle comment

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CABRERA

COMELEC GUN BAN

CRIMINAL CASE NO

DANILO MAGYANO

DELFIN

DEPUTY WARDEN SENIOR INSPECTOR GREG O

ELEPSIN P

JAIL OFFICER

JOEL D

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with