Jobless natuluyan sa ikalawang pag-suicide
August 5, 2002 | 12:00am
Dahil sa sobrang hirap ng buhay, isang pasyente ang nasawi matapos itong magpakamatay sa ikalawang pagkakataon sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikaapat na palapag ng ospital na kanyang pinagpapagamutan sa Pasay City kahapon ng umaga.
Lasug-lasog ang katawan at nasawi noon din ang biktima na nakilalang si Antonio Orbeso, 57, may asawa, walang trabaho, nakatira sa #2590, Tramo, panulukan ng T. Reyes at Zamora Sts., ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa imbestigasyon ni P02 Alberto Sombilon ng Criminal Investigation Division (CID), Pasay City Police, nabatid na noong Hulyo 31 ng taong ito unang nagtangkang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili.
Kaya na-confine ito sa Pasay City General Hospital (PCGH), na matatagpuan sa P. Burgos St., ng nabanggit na lungsod.
Dakong alas-9 kahapon ng umaga, sa ikalawang pagkakataon muling isinagawa ng biktima ang pagpapakamatay.
Matapos itong tumalon mula sa ikaapat na palapag ng nabanggit na ospital.
Kaagad na binawian ng buhay ang biktima dahil sa insidente. May hinala ang pulisya, isa sa dahilan ng pagpapakamatay ni Orbeso, dahil sa sobrang hirap niya sa buhay. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am