^

Metro

Bangag na nang-hostage ng 2 paslit naaresto

-
Mistulang sinaniban ng masamang espiritu ang naging anyo ng isang 27-anyos na lalake na na-praning dahil sa ipinagbabawal na gamot makaraang i-hostage niya ang dalawang paslit, kabilang dito ang pamangkin niyang babae, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Navotas.

Kinilala ni Supt. Roberto Villanueva, Navotas chief of police ang nadakip na hostage taker na si Lemuel Verzosa, ng Sitio Puting Bato, North Bay Boulevard South.

Nakaligtas naman sa kapahamakan ang dalawang hinostage na sina Donna Mae Verzosa, 4, pamangkin ng suspect at kapitbahay na si Marjorie Silagan, 6.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang pangho-hostage sa bahay ng nakatatandang kapatid ng suspect na si Edgardo sa nabanggit na lugar. Napag-alaman na dumating sa naturang bahay ang suspect na noon ay bangag na bangag sa ipinagbabawal na gamot.

Walang makaawat sa ginawa nitong pagwawala na mistulang sinaniban ng masamang espiritu hanggang sa biglang hatakin ang pamangking si Donna Mae at tutukan ng patalim sa leeg.

Ilang sandali pa ay nakakuha naman ng pagkakataon ang kapatid nitong si Edgardo at tinadyakan ang kanyang kuya dahilan upang mabitiwan nito ang bihag na pamangkin.

Mabilis itong tumakbo palabas ng bahay hanggang sa habulin ng mga residente sa naturang lugar.

Dahil sa makokorner na siya ay napilitan itong muling mang-hostage at ang nakita ay ang kasalubong na si Silagan.

Ilang minuto nitong hinostage ang bata hanggang sa namagitan na si PO2 Edgardo de Guzman na siyang tumayong negosyador at hinimok nito ang suspect na sumuko na lamang.

Habang kinakausap ng naturang pulis ang suspect ay muli itong nakakuha ng tiyempo at tinadyakan ito, mabilis namang inagaw ng isa pang pulis ang batang bihag na nailigtas sa kamay ng suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

DONNA MAE

DONNA MAE VERZOSA

EDGARDO

ILANG

LEMUEL VERZOSA

MARJORIE SILAGAN

NAVOTAS

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

ROBERTO VILLANUEVA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with