^

Metro

Preso sa maximum security ng Bilibid, nagpakamatay

-
Isang bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) na nasentensiyahan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa kaso ng droga ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti, kamakalawa ng gabi sa loob ng maximum security ng nabanggit na bilangguan sa Muntinlupa City.

Kinilala ni Bureau of Correction Director Ricardo Macala ang nagpakamatay na si Kenneth Mozada, alyas William Sy, 21, pamangkin ng kontrobersiyal at drug queen inmate na si Yu Yuk Lai.

Ayon kay Macala, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi kamakalawa sa loob ng maximum security.

Ayon sa ulat, ang labi ng biktima ay nakita ng ilan niyang mga kasamahan na nakasabit sa isang bakal sa loob ng selda. Isang kumot umano ang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Isang suicide note ang natagpuan sa bangkay ng preso na dito nakasaad ang labis niyang depresyon sa buhay dahil sa wala kahit isang mahal sa buhay na dumadalaw sa kanya.

Binanggit pa sa ulat na si Mozada ay tuluyan nang hiniwalayan ng kanyang asawa simula ng ito ay makulong.

Samantala, isa namang 24-anyos na mister ang iniulat ding nagbigti matapos silang mag-away ng kanyang misis dahil sa problema sa pera, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nakilala ang nagpakamatay na mister na si Jerim Cueca, walang trabaho ng Barangay West Rembo, ng naturang lungsod.

Nabatid na bago natuklasan ang isinagawang pagpapakamatay, nabatid na nag-away ang nasawi at misis nitong si Sabina at dahil dito, posibleng hindi matanggap ng lalaki ang samaan nila ng loob ng kanyang asawa kaya naisipan na nitong magpakamatay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BARANGAY WEST REMBO

BUREAU OF CORRECTION DIRECTOR RICARDO MACALA

ISANG

JERIM CUECA

KENNETH MOZADA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with