Malacañang umaksyon sa mataas na singil ng SLEX
August 3, 2002 | 12:00am
Posibleng masuspinde ang ipinapataw na mataas na singil sa toll fee sa South Luzon Expressway makaraang umaksyon kahapon ang Malacañang.
Ito ay sa gitna ng nakaambang malawakang welga ng mga pampasaherong bus at jeepney at dumaraan sa SLEX kung hindi umano ibababa ang singil dito.
Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, tinawagan na ni Pangulong Arroyo si Atty. Jaime Dumlao, director ng toll regulatory board. Nais umano ng Pangulo na rebisahin ng TRB ang pataw na singil para maibaba ang singil dito.
Ikinatuwiran naman ni Dumlao na nagpapatuloy pa ang hearing at agad na ipagbibigay alam sa Pangulo ang magiging resulta nito.
Samantala, sinabi ng Malacañang na sa ginawang pag-entra ng Pangulo sa usapin ay posibleng tuluyang mapigil ang mataas na singil sa toll fee. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended