^

Metro

Ex-beauty queen binugbog ng dating nobyo

-
Matinding kalbaryo ang dinanas ng ex- beauty queen na si Georgina Sandico, 1999 Binibining Pilipinas International sa kamay ng kanyang dating nobyo na umano’y nambugbog sa kanya makaraang tanggihan niya ang pakikipagbalikan dito, kamakalawa sa Quezon City.

Galit na galit na nagharap ng reklamo si Sandico laban sa dating nobyo na si Paul Lacson, 31, ng No.7 Sacred Heart St., Horse Shoe Village ng nabanggit na lungsod.

Sa salaysay ni Sandico, 23, ng 82 Whitefield St., Whiteplains Subdivision, Quezon City ang panggugulpi sa kanya ay nag-ugat makaraang tanggihan niya ang pakikipagbalikan nito, gayundin ang pagpipilit nitong makipag-sex sa kanya.

Nabatid na hindi ito ang unang reklamo ng pambubugbog na isinampa sa pulisya ni Sandico laban kay Lacson, dahil kamakailan ay sinabunutan na rin siya nito at pinaso pa ng sigarilyo sa dibdib.

Sa huling insidente pinagsisipa siya sa dibdib at saka kinaladkad sa garahe.

Nagawa lamang niyang makatakas at nagkulong sa bahay. Bago umalis ay binantaan pa umano siya maging ang kanyang pamilya ng suspect. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BINIBINING PILIPINAS INTERNATIONAL

GEORGINA SANDICO

HORSE SHOE VILLAGE

PAUL LACSON

QUEZON CITY

SACRED HEART ST.

SANDICO

WHITEFIELD ST.

WHITEPLAINS SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with