Barangay kagawad todas sa ambus
August 2, 2002 | 12:00am
Isang barangay kagawad ang tinambangan at napatay ng tatlong hindi nakikilalang kalalakihan habang ang una ay naglalakad papauwi na sa kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Patay na nang idating sa Tondo Medical Center sanhi ng tatlong tama ng bala ng baril ang biktimang si Rolando Villarosa, 52, ng 18 C. Arellano St., San Agustin ng nabanggit na lungsod.
Mabilis namang nagsitakas ang tatlong salarin matapos ang isinagawang pananambang.
Sa isinagawang imbestigasyon, dakong alas-9:20 ng gabi ng maganap ang pananambang sa biktima sa kahabaan ng Sacristia St., Brgy. San Agustin.
Napag-alamang naglalakad sa naturang lugar ang biktima pauwi na sa kanilang bahay nang biglang harangin ng mga suspect at walang sabi-sabing pinaulanan ito ng putok ng baril.
Sinabi ng isang saksi na bago tuluyang tumakas ang mga suspect, isa rito ang narinig niyang nagsabing "kailangan mo nang pagbayaran ang mga kasalanan mo sa masa".
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon sa kaso para alamin ang motibo sa isinagawang pagpaslang. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended