32 katao nalason sa spaghetti
August 1, 2002 | 12:00am
Tatlumput-dalawang katao, karamihan ay pawang mga bata na dumalo sa isang birthday party ang pawang nalason sa kinaing spaghetti kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Sa ulat na nakarating sa pulisya, ang mga biktima ay isa-isang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center magmula ng alas-10:30 kamakalawa ng gabi, matapos halos sabay-sabay na nagsusuka at sumakit ang mga tiyan ng mga ito.
Ilan sa mga biktima ay nakilalang sina Marvin de Mesa, 4; William Borlatgatan,4; Rosemarie Daludalo, 7; Sarah Jane Boncayao,10; Jayron Pador Alejandro, 5; Nixon Chua,7; Renzo Borlatgatan, 5 at Ruiz Daludalo at John Russel Alejandro, 2.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang mga biktima ay dumalo at kumain sa handang spaghetti ng may kaarawan na si Alejandro sa 281 Interior 3, M.H. del Pilar st., ng nasabing lungsod.
Ayon sa attending pediatrician na si Dr. Ma. Rosario Franco na ang dahilan ng pagkalason ng mga biktima ay mula sa kinaing spaghetti. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended