Ginang timbog sa shabu na nasa ari
August 1, 2002 | 12:00am
Isang ginang ang nadakip matapos itong mahulihan ng shabu sa kanyang ari habang dadalaw sa kanyang live-in partner na nakakulong sa Makati City Jail.
Ang suspek ay nakilalang si Juliana Partido, 41, ng PNR Compound, Brgy. Pio Del Pilar ng nasabing lungsod.
Ayon kay JO1 Eva Marie Tenedora, dakong alas-11:45 ng umaga nang dalawin ni Partido ang kanyang live-in partner na si Rodelio Vidal na nakulong dahil din sa droga.
Habang nagsasagawa ng pagsisiyasat si JO1 Tenedora ay nagduda ito sa kahina-hinalang kilos ng suspek dahil sa hindi ito mapakali.
Dahil dito, pinatuwad ang suspek at napansin sa ari nito na may nakapasak na bulak.
Nang siyasatin ang bulak ay dito nabisto na isang transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nakarolyo ng scotch tape.
Ang suspek ay ikinulong kasama ang kanyang live-in partner. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest