^

Metro

Bitay hinatol ng korte sa 3 kidnaper

-
Hinatulan kahapon ng kamatayan ng Pasay City Regional Trial Court ang tatlong kalalakihan kabilang ang isang doktor na napatunayang kumidnap sa isang 21-anyos na dalaga noong Nobyembre 2001 sa Pasay City.

Sa 38-pahinang desisyon ni Judge Eleuterio F. Guerrero ng Branch 116, hinatulan nito ng kamatayan ang mga akusadong sina Dr. Roberto Yap-Obeles, Jerry Morales at Johnny Bautista.

Si Obeles ay hinatulan ng "in absentia", matapos itong makapag-piyansa sa kabila ng non-bailable ang kasong kinakaharap at pagsasampa rin ng abogado nito ng "motion to reset the promulgation" noong Hulyo 30, 2002, dahil sa ito ay may lagnat na pinatunayan ng kanyang manggagamot na si Dr. James Go Nga Kok ng Metropolitan Hospital.

Ngunit ibinasura ng korte ang mosyon ni Obeles kaya’t nagpalabas ng warrant of arrest at hold departure order laban dito.

Bukod sa nasabing hatol ay inutusan din ng korte ang mga akusado na bayaran ng P 1.2 milyon bilang danyos perwisyo ang biktima at pamilya nito.

Samantala, may tatlo pang akusado sa nasabing kaso ang nakakalaya na nakilalang sina Luis Miranda, isang alias Roy at isang alias Centesa na pawang may warrant of arrest.

Batay sa rekord ng korte, na noong hapon ng Nobyembre12, 2001 ay kinidnap ng mga akusado ang biktima na nakilalang si Fritzie So sa loob ng kanilang hardware na matatagpuan sa Taft Avenue.

Matapos ang dalawang araw ay pinalaya ang biktima ng mga akusado sa pinagtataguan nitong safe house sa Bacoor,Cavite nang naibigay ng pamilya ang ransom na P1M.

Sa nasabi ring buwan ay nadakip ang tatlong akusado ng mga awtoridad. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

DR. JAMES GO NGA KOK

DR. ROBERTO YAP-OBELES

FRITZIE SO

JERRY MORALES

JOHNNY BAUTISTA

JUDGE ELEUTERIO F

LORDETH BONILLA

LUIS MIRANDA

METROPOLITAN HOSPITAL

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with