^

Metro

Hindi pagpapasuweldo sa nanunog na maid pinabulaanan

-
Pinabulaanan kahapon ng pamilya Caro ang lumabas na ulat na kaya sinunog ng kanilang katulong na kinilala lamang sa alyas na Manang ang kanilang bahay noong Sabado ay dahil hindi nila ito pinasahod nang maayos.

Sa panayam kay Benjamin Caro, 72, may-ari ng MVC Pawnshop sa #1107 Gen. San Miguel, Sangandaan, Brgy. Uno, Caloocan City, na hindi umano totoo ang naturang report. Ito ay taliwas sa naging pahayag ng ilan sa kanyang mga kapitbahay at saksi na nakapanayam nang mangyari ang insidente.

"Malinis ang pangalan namin at dalawang araw pa lamang sa amin ang katulong na ’yon, ninakawan pa nga kami ng alahas at pera na nagkakahalaga ng halos P2 milyon," pahayag pa ni Caro.

Sinabi pa ni Caro na hindi niya alam ang tunay na pangalan ng katulong at ang iba pang personal na detalye ng pagkatao nito dahil nakapasok umano ito sa kanila at nanilbihan sa pamamagitan lamang ng "sign board" na nagsasaad ng "Wanted housemaid" na kanilang inilagay sa labas ng kanilang bahay.

Ayon pa sa pamilya, ang nawawalang pera at alahas ay nakasilid sa bag sa loob ng kanilang kuwarto bagamat hindi naman umano nabuksan ng katulong ang kanilang safety vault.

Napag-alaman na wala ang pamilya sa bahay nang mangyari ang sunog at bumalik lamang ito kinaumagahan nang mabalitaan ang insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BENJAMIN CARO

BRGY

CALOOCAN CITY

CARO

KANILANG

MALINIS

ROSE TAMAYO

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with