^

Metro

Berdugo ng mga aso, inireklamo

-
Isang mataas na opisyal sa Central Police District Command (CPDC) na tinaguriang "berdugo ng mga aso" ang inireklamo ng ilang residenteng naninirahan malapit sa Camp Karingal kaugnay ng walang habas na pamamaril sa mga alaga nilang aso na nakakapasok sa loob ng naturang police headquarters.

Ilang mga residente sa paligid ng Camp Karingal ang nagtungo sa Quezon City hall para iparating ang kanilang reklamo laban kay Chief Inspector Alfredo Roxas, camp commander sa naturang kampo.

Isa si Mrs. Gloria Dizon, may-ari ng aso na napatay ni Roxas noong nakalipas na Hunyo 22. Ayon sa kanya napadako sa loob ng kampo ang kanyang alagang aso at nagulat siya dahil basta na lamang ito binaril ng pulis at nakangiti pa umano ito at tuwang-tuwa sa tuwing maaasinta niya ang mga aso.

Nababahala umano ang mga residente sa paligid ng kampo dahil sa 30 aso na ang napapatay dito.

Bunsod nito, iginiit ni QC Councilor Ariel Inton kay CPDC director Rodolfo Tor na imbestigahan si Roxas kaugnay ng naturang sumbong na isang paglabag sa RA 8485 o ang Animal Welfare act of 1998.

Maaari umanong kasama sa camp regulation ang pagpasok ng mga alagang hayop subalit hindi naman umano makatarungang barilin na lamang basta-basta ang mga aso na nakakapasok dito dahil hindi ito mga asong lansangan kundi may mga taong nag-aasikaso sa mga ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANIMAL WELFARE

ASO

CAMP KARINGAL

CENTRAL POLICE DISTRICT COMMAND

CHIEF INSPECTOR ALFREDO ROXAS

COUNCILOR ARIEL INTON

MRS. GLORIA DIZON

QUEZON CITY

RODOLFO TOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with