^

Metro

7 sinibak na PNP officers pormal nang pinalitan

-
Bagamat hindi pa tapos ang election period, pinayagan na ng Commission on Elections (COMELEC) na magsagawa nang pagbalasa ang hanay ng pulisya kung saan tuluyan nang nilisan ng pitong naunang sinibak na mga opisyal ang kanilang mga puwesto.

Sabay-sabay na nagsagawa ng turn-over ceremony kahapon ang limang heneral at dalawang colonel sa National Capital Region, Region 7, Region 4, Region 3, WPD, Cebu at Laguna.

Tuluyang nag-impake na sa ikalawang pagkakataon si Director Edgar Aglipay sa NCRPO kung saan pinalitan siya ni dating Comptrollership Deputy Director Gen. Reynaldo Velasco.

Sa Region 4, pinalitan ni Senior Supt. Medardo Apacible si Chief Supt. Domingo Reyes, umupo naman sa Region 3 si Chief Supt. Oscar Calderon bilang kahalili ni Chief Supt. Reynaldo Berroya, habang si Senior Supt. Alejandro Lapinid naman ang naging kapalit ni Chief Supt. Avelino Razon sa Region 7.

Itinalaga naman sa WPD si Senior Supt. Pedro Bulaong kapalit ni Chief Supt. Nicolas Pasinos, nilisan na rin ni Senior Supt. Jose Salvacion ang Cebu Provincial Office kung saan ipinamana niya ang posisyon kay Senior Supt. Maximo Calimlim habang si Senior Supt. Arnulfo Espiritu naman ang uupo ngayon sa Laguna Provincial Office kapalit ni Senior Supt. Leonilo dela Cruz. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALEJANDRO LAPINID

ARNULFO ESPIRITU

AVELINO RAZON

CEBU PROVINCIAL OFFICE

CHIEF SUPT

COMPTROLLERSHIP DEPUTY DIRECTOR GEN

DANILO GARCIA

DIRECTOR EDGAR AGLIPAY

SENIOR SUPT

SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with