^

Metro

Kaso vs Parsons, tuloy - DoJ

-
Tinanggihan kahapon ni Justice Secretary Hernando Perez na sundin ang kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ibasura kaagad ng DOJ ang kasong kriminal laban sa singer/actor na si Sonny Parsons na nakapatay ng dalawang miyembro ng ‘Waray Gang’ na nanloob sa kanyang bahay.

Sa halip iniutos na lamang ni Perez sa Marikina Prosecutors Office na tapusin sa lalong madaling panahon ang preliminary investigation laban kay Parsons.

Sinabi pa ni Perez na nais muna niyang bigyan ng kalayaan ang piskalya ng Marikina na busisiin ang kaso ni Parsons bago ito tuluyang hatulan kung dapat ibasura o isampa sa korte.

Matatadaan na inatasan ni Pangulong Arroyo ang DOJ na agarang idismis ang kaso laban kay Parsons dahil sa paniwalang ipinagtanggol lamang nito ang kanyang sarili.

Si Parsons ay magugunitang kinasuhan ng homicide at frustrated homicide ng Marikina police dahil sa pagpatay at bigong pagpapatay nito sa mga miyembro ng ‘Waray Gang’. (Ulat ni Gemma Amargo)

GEMMA AMARGO

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

MARIKINA PROSECUTORS OFFICE

MATATADAAN

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PEREZ

SI PARSONS

SONNY PARSONS

WARAY GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with