^

Metro

Barangay Chairman nagsampa ng reklamo sa Comelec

-
Magsasampa ng election protest sa Commission on Election (COMELEC) ang isang barangay captain candidate, dahil sa naganap umanong dayaan noong nakaraang halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan, na hinihinalang ang nagmaniobra ay ang ilang teacher sa lungsod ng Malabon.

Umapela kahapon kay COMELEC Chairman Benjamin Abalos Sr. si barangay captain candidate Munding Manapat na imbestigahan ang umano’y naganap na dayaan sa Barangay Catmon ng nabanggit na lungsod.

Matapos nitong ireklamo ang isang teacher na nakilala lamang sa pangalang Mrs. Avila at kapanalig umano ni incumbent barangay captain Jojo Cruz, na siyang nagmaniobra sa umano’y dayaan sa nabanggit na lugar.

Nabatid ng mag-umpisa ang bilangan dakong alas-3 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi ay lamang na si Manapat laban kay Cruz.

Ayon kay Manapat sandaling umalis ng voting precint ang kanyang mga watcher, na pansamantala munang magpapahinga. Ngunit kinabukasan, dakong ala-6 ng umaga nakatanggap ng impormasyon ang naturang kandidato na lamang na sa bilangan ang kanyang katunggali.

Napag-alaman na nawala umano ang tatlong ballot boxes, na ang munero 179, 180 at 181 at dalawang watcher ni Manapat na pinaniniwalaang dinukot ang mga ito.

Bukod sa apila ng naturang kandidato kay Abalos, nanawagan din ito kay Department of Education, Culture and Sports Secretary Raul Roco, na imbestigahan ang nabanggit na guro.

Samantala, mariin namang itinanggi ng kampo ni Cruz ang nasabing akusasyon. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

BARANGAY CATMON

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

CRUZ

CULTURE AND SPORTS SECRETARY RAUL ROCO

DEPARTMENT OF EDUCATION

JOJO CRUZ

LORDETH B

MANAPAT

MRS. AVILA

MUNDING MANAPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with