^

Metro

Parsons humiling ng bodyguard

-
Sintigas man ng adobe ang kanyang dibdib, dinadalaw rin ng pangamba para sa kanya at sa buhay ng kanyang pamilya ang dating aktor na si Sonny Parsons kung kaya nakatakda itong humingi ngayon ng dalawang personal na bodyguard kay PNP chief, Hermogenes Ebdane.

Sa panayam kay Parsons, Jose Nabiula Jr. sa totoong buhay, nakatakda itong magtungo ngayon sa PNP General Headquarters sa Camp Crame upang makausap si Ebdane.

Hihingi ito ng dalawang pulis na magsisilbing close in security niya at ng kanyang pamilya.

Ayon kay Parsons, buhat nang makapatay siya ng dalawang miyembro ng kilabot na grupong Waray- Bicolano Gang, hindi na siya at ang buong pamilya ligtas tuwing lumalabas ng bahay kahit na armado na silang lahat.

Hindi naman umano niya puwedeng abusuhin ang mga nakatalagang miyembro ng Marikina Special Weapons and Tactics Unit (SWAT) sa kanyang residente sa Rainbow st., SSS Village, Marikina.

Nakatakda rin naman nitong kilalanin ang isang umano’y miyembro nga ng robbery gang na nadakip ng Central Police District (CPD).

Bago ito, tumindi ang panganib sa buong pamilya ni Parsons nang harangin at tangkaing dukutin ang kanilang katulong kamakailan at tangkaing pasukin ang kanilang bahay nang wasakin ng mga ito ang likurang pinto habang nagpapahinga ang mga SWAT sa pagbabantay. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYON

BICOLANO GANG

CAMP CRAME

CENTRAL POLICE DISTRICT

DANILO GARCIA

GENERAL HEADQUARTERS

HERMOGENES EBDANE

JOSE NABIULA JR.

MARIKINA SPECIAL WEAPONS AND TACTICS UNIT

SONNY PARSONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with