^

Metro

Katulong hindi pinasahod, nanunog

-
Dahil sa matinding sama ng loob sa kanyang amo na hindi nagpasahod sa kanya, sinunog kahapon ng isang katulong ang tahanan ng pamilyang kanyang pinagsisilbihan sa Barangay Uno, Caloocan City matapos niyang pagnakawan.

Ang sunog na nilikha ng katulong ay nagdamay sa dalawang establisimiyento kung saan tinatayang aabot sa P5 milyong halaga ng ari-arian ang tuluyang naabo.

Nagkaroon din ng tensyon sa pagitan ng mga guro at estudyante ng Caloocan City Polytechnic College na may 20 metro lamang ang layo sa natupok na MVC Pawnshop na pag-aari ni Benjamin Caro, 72, ng 1107 General San Miguel, Sangandaan ng nabanggit na lungsod at sinasabing amo ng katulong na kinilala lamang sa tawag na "manang", may edad 40-45.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay ni Caro.

Noong una iniulat na nakulong sa nasusunog na bahay ang katulong, subalit ayon sa ilang saksi nakita itong lumabas sa likod na pintuan ng bahay kasama ang dalawang hindi nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang kakutsaba nito sa isinagawang krimen.

Tumagal ng may isang oras ang sunog bago tuluyang naapula. Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na insidente.

Hanggang sa kasalukuyan nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang Caloocan City Fire-Arson Division hinggil sa naganap na sunog, kasabay nang paghahanap sa tumakas na suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BARANGAY UNO

BENJAMIN CARO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY FIRE-ARSON DIVISION

CALOOCAN CITY POLYTECHNIC COLLEGE

CARO

DAHIL

GENERAL SAN MIGUEL

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with