Parusang bitay sa ama, habambuhay sa anak na humalay sa ampon
July 27, 2002 | 12:00am
Parusang kamatayan ang naging hatol ng hukuman sa isang ama, habang habambuhay namang pagkabilanggo sa kanyang anak at sampung taong pagkakulong sa kanyang pamangkin matapos mapatunayang guilty sa kasong panghahalay sa isang grade 2 pupil sa magkakahiwalay na insidente noong taong 2000 sa Pasay City.
Sa 21 pahinang desisyon ni Judge Lilia Lopez, ng Pasay City RTC, Branch 109, ang mga hinatulan ay sina Dionisio Cabudbud, na pinatawan ng parusang bitay, habang ang kanyang anak naman na si Edgar ay tumanggap ng habambuhay na pagkabilanggo at 10 taong pagkakulong naman sa pamangkin na si German Tordesillas na isang menor-de-edad.
Bukod dito, pinagbabayad din ng korte ang tatlong akusado ng halagang tig-P100,000 danyos perwisyo sa kanilang biktima.
Batay sa rekord ng korte ang biktima na itinago sa pangalang Riza, 11, anyos ay ampon ng pamilya Cabudbud ay may sampung ulit na ginahasa ng mga akusado sa magkakahiwalay na insidente noong taong 2000.
Ito umano ay ginagawa ng tatlo sa tuwing wala ang ina-inahan ng bata na asawa ni Dionisio.
Hindi agad nakapagsumbong ang bata sa kanyang ina-inahan dahil sa tinatakot ito ng mga akusado. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended