Jailguard, 5 preso sugatan sa rambol
July 26, 2002 | 12:00am
Isang jailguard at limang preso ang iniulat na nasugatan matapos na humantong sa madugong rambol ang ginawang panghohostage sa isang nakatalagang bantay sa detention cell ng Pasig City jail, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang nasugatang jailguard na si JO1 Sherwin Gaffud na nagtamo ng mga saksak ng kuyugin ng nanghostage sa kanyang mga preso.
Samantalang, ang mga sugatan naman sa panig ng mga preso ay sina Marjon Pante, 24; Joel Dabon, 29; Manuel Malto, 30; Bobby Imperial, 41 at Herminigildo Panibe, 25, pawang isinugod sa Rizal Medical Center.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa loob ng Pasig City jail. Nabatid na nagkakatuwaan umano sa pagvi-videoke ang naturang mga preso ng bigla na lamang i-hostage ng mga ito ang jailguard na si Gaffud na noon ay nag-iinspeksyon sa mga bilanggo.
Ilang improvised na patalim ang ginamit ng mga bilanggo sa panghohostage nila sa jailguard na tinangka pa nilang agawan ng baril.
Ilang saglit pa ay nagkagulo na at narinig na ang sunud-sunod na putok ng baril at pagkatapos ay isa-isa ng nagsitumba ang mga nasugatang preso.
Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat sa kaso.
Samantala, nakatakdang sampahan ng kasong frustrated homicide at serious physical injuries ang limang sugatang preso kasama ang isa pa na si Renan Mina. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest