Kaso ni Nida hindi na dapat inilipat sa NBI - GMA
July 26, 2002 | 12:00am
Pinanghinayangan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ginawang paglilipat mula sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa National Bureau of Investigation (NBI) ng kontrobersiyal na kasong pagpaslang sa aktres na si Nida Blanca.
Ayon sa Pangulo, kung hindi inalis sa CIDG ang kaso ay malamang na hindi na nakalabas pa ng bansa ang sinasabing utak sa pagpatay na si Rod Strunk.
Binanggit pa ng Pangulo na lilitaw din palang pareho ang resulta o findings ng imbestigasyon kung saan si Strunk ang umanoy utak sa pagpaslang sa asawang aktres.
Dahil umano sa mga panawagan at batikos laban sa CIDG ay nailipat sa NBI ang kaso.
"Ang totoo kung hindi natin inilipat ang hurisdiksyon ng kaso, maaaring hindi nakalabas ng bansa si Strunk," dagdag pa ng Pangulo.
Magugunitang umani ng pagbatikos ang PNP-CIDG dahil sa alegasyon ng suspect na si Philip Medel na umanoy pinahirapan siya ng mga pulis kaya inako ang kaso.
Kasabay naman nito, idinepensa ng Pangulo ang matagal na pag-iimbestiga ng NBI sa Nida Blanca case. Ikinatuwiran niya na kailangang busisiing mabuti ang kaso upang maiwasan ang kapalpakan at tiyaking ang tunay na salarin ang makakasuhan.
Samantala, sinabi naman ng source ng NBI na hanggat walang bangkay na makapagpapatunay na patay na nga si Mike Martinez ay patuloy pa rin ang kanilang paghanap dito sa paniwalang ito ang siyang missing link sa ikalulutas ng kaso ni Nida.
Sinabi pa ng source na buo ang kanilang paniniwala na totoo ang sinabi ng pangunahing suspect na si Medel sa kanyang recanted statement na si Martinez umano ang siyang kumontak sa kanya upang isagawa ang pagpaslang kay Nida.
Kung mapapalitaw umano si Martinez ay magagawa nila itong tumayo bilang state witness na siya ring rason kung bakit hindi nila ito isinama sa kinasuhan.(Ulat nina Ely Saludar/ Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended