Kasong serious physical injuries, direct assault at violation of BP 880 o Public Assembly Act ang isinampa ng Western Police District sa Manila Prosecutors Office laban sa grupo ni Montayre.
Kabilang din sa sinampahan ng kaso ay ang mga miyembro ng militanteng grupong Maradeka at ang chairperson nitong si Nashir Pangandapon na umanoy nakipagsabwatan sa PCA upang simulan ang pambabato.
Magugunitang magang-maga ang mukha ni Supt. Rafael Corpuz, nang matinding tamaan ng pambabato ng mga raliyista.
Bukod dito, posible pa umanong maapektuhan ang paningin ng nabanggit na pulis dahil sa matinding tama.
Magugunitang mismong si Pangulong Arroyo ang dumalaw kay Corpuz sa loob ng pagamutan kamakalawa. (Ulat ni Andi Garcia)