^

Metro

Mister nabukong may kalaguyo, sinagasaan si misis

-
Kulungan ang hinantungan ng isang driver na mister matapos itong ipakulong ng kanyang misis makaraang sagasaan ng sasakyan ng una ang huli nang maaktuhan niya ito na kasakay sa pinapasadang sasakyan ang kalaguyo, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang mister na kasalukuyang nakapiit sa Station 10 ng Central Police District ay nakilalang si Ronaldo Cuasay at residente ng 1911 Taal St., Punta, Sta. Ana, Manila.

Kasong attempted parricide at concubinage ang iniharap na kaso ng misis na si Miraflor Cuasay, 33, laban sa kanyang mister makaraang pagtangkaan umano siyang patayin sa pamamagitan ng pagsagasa sa kanya ng sasakyan habang kasama pa nito ang kalaguyo na nakilalang si Marites Dilao, ng Tomas Morato, Barangay Obrero, Quezon City.

Dakong ala-1:45 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa may Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Natiyempuhan umano ng ginang ang suspect na kasama ang kalaguyo kung kaya kinompronta niya ang mga ito.

Subalit pinagtulungan umano siya ng dalawa na kutyain at ipahiya pa sa harap ng maraming tao. Hindi pa umano nasiyahan at sumakay pa umano sa dalang sasakyan ang dalawa at siya ay sinagasaan dahilan upang magtamo ang misis ng mga bali sa buto at sugat sa katawan.

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktima, samantalang kaagad namang ipinadakip ang babaerong mister. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

BARANGAY OBRERO

CENTRAL POLICE DISTRICT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

MARITES DILAO

MIRAFLOR CUASAY

QUEZON CITY

RONALDO CUASAY

TAAL ST.

TOMAS MORATO

TOMAS MORATO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with