Lineman ng Meralco nabagsakan ng poste, todas
July 23, 2002 | 12:00am
Nagbuwis ng buhay ang isang lineman ng Manila Electric Co. (Meralco) habang nasa kritikal namang kondisyon ang isa nitong kasamahan matapos na aksidenteng mabagsakan ng kinukumpuni nilang poste ng kuryente sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan, kamakalawa ng gabi sa Philrock Compound, Parang, Marikina City.
Durog ang mga paa at nasawi matapos maubusan ng dugo ang biktimang kinilalang si Christopher Delosa, 28.
Nakilala naman ang nasa malubhang kalagayan nitong kasamahan na kasalukuyan pang inoobserbahan sa St. Vincent Hospital na si Isidro Delosa, 32, kapwa lineman ng isang sub-contractor ng Meralco.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng Marikina Fire Station at ng pulisya ng lungsod, napag-alaman na dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang sakuna habang ikinakabit ng mga biktima ang isang malaking kawad ng kuryente sa naturang kongkretong poste ng Meralco.
Bigla na lamang umanong naputol ang sementadong poste na dumagan sa katawan ng dalawang biktima kung saan naipit si Delosa sa dalawang hita na ikinadurog nito.
Nagtamo rin ng malubhang sugat sa insidente ang kasamahan nito sa nangyaring sakuna.
Ayon sa rescue team ng Fire Bureau sa lungsod, halos maputol ang paa ng biktima kung saan binawian ito ng buhay sa loob ng operating room dakong alas-3 ng madaling-araw kahapon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest