^

Metro

Freeze assets sa 4 investment firm ng AFP, PNP

-
Apat na umano’y akreditong mga investment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang inatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (SBP) na i-freeze ang kanilang mga asset habang isinasagawa ang imbestigasyon sa pagkakasangkot sa P1.5 bilyong "get rich quick pyramid scam".

Ito ang inihayag ni Ferdinand Ding Sison, chairman ng Exsior Investment Inc. at kasapi ng Investment and Finance Group (IFG) na akredito ng PNP at AFP.

Kabilang sa mga ipinag-utos ng BSP na i-freeze muna ang mga asset ay ang Glassow Credit and Collection Service Inc.; ICS Exports; Strasbourg International at ang New Castle International Corp.

Ito’y matapos na sumingaw ang reklamo ng daan-daang mga sundalo at pulis na nabiktima ng "pyramid scam" na nag-invest sa mga naturang kumpanya kapalit ng mataas na 20% interes kada buwan.

Tinatayang mula sa P100 minimum na investment ang nailagak ng mga nabiktima kabilang na ang apat na heneral ng AFP na nakapaglagak ng higit sa P10 milyon na sa una’y nakatanggap ng tubo ngunit nang lumaon ay hindi na nakapagbigay sa kanila.

Umaabot na sa P1.5 bilyon ang kabuuang nai-invest sa naturang mga kumpanya.

Itinanggi na rin ng AFP-Savings and Loan Association, Inc. (AFP SLAI) na sangkot sila sa bilyong scam. Tanging pagpapautang lamang umano sa kanilang mga miyembro ang kanilang ginagawa at hindi sila pumapasok sa mga ma-anomalyang investment. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGKO SENTRAL

DANILO GARCIA

EXSIOR INVESTMENT INC

FERDINAND DING SISON

GLASSOW CREDIT AND COLLECTION SERVICE INC

INVESTMENT AND FINANCE GROUP

NEW CASTLE INTERNATIONAL CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with