Trader itinumba sa loob ng tindahan
July 23, 2002 | 12:00am
Binaril at napatay ng hindi nakikilalang mga suspect na pinaniniwalaang hired killer ang isang negosyanteng Intsik sa loob ng kanyang tindahan kahapon sa Caloocan City.
Nasawi noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen bunga ng walong tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Erlinda Sy, 51, may-ari ng Esquire Lumber na matatagpuan sa 270 A. Mabini St. ng nasabing lungsod.
Sa paunang pagsisiyasat nabatid na naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon ng madiskubre ang bangkay ng biktima na tadtad ng tama ng bala ng baril.
Napag-alaman pa na nag-iisa ang biktima sa kanyang tindahan ng maganap ang insidente.
Sa nakalap na impormasyon marami umanong pautang ang biktima sa kanyang negosyo at marami na rin ang idinemanda nito dahil sa hindi nakakabayad.
Malaki ang paniwala ng pulisya na may kinalaman sa negosyo ang motibo sa isinagawang pagpaslang.
Hindi rin narinig ng mga kapitbahay ang putok ng baril bagamat maraming tama ang biktima kaya pinaniniwalaang silencer ang ginamit dito.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya ukol dito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended