^

Metro

Sonny Parsons binuweltahan na ng 'Waray Gang'

-
Sinimulan nang resbakan ng grupo ng ‘Waray gang’ ang aktor/singer na si Sonny Parsons makaraang makatanggap na ng mga pagbabanta na nakasulat sa isang papel na binalot sa bato na inihagis sa kanyang bahay.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Parsons, Jose Nabiula sa tunay na buhay, 42.

Sinabi pa ng aktor na simula umano nang mapaslang niya sa shootout ang dalawang miyembro ng grupo at masugatan niya ang isa pa ay nakatanggap na siya ng pagbabanta sa buhay maging sa kanyang pamilya.

Binanggit pa nito, na ilang armadong kalalakihan na hinihinalang mga kasamahan ng kanyang napaslang ang nakitang umaaligid sa bahay. Tatlong ulit na rin umanong pinukol ang kanyang bahay. Ang ginamit na bato ay nababalutan ng papel na doon naman nakasulat ang pagbabanta sa kanyang buhay.

"Hindi naman ako natatakot, kung oras mo na talaga, oras mo na", pahayag pa ni Parsons.

Kaugnay naman sa nakatakdang paghaharap sa kanya ng kaso ng pulisya, hindi umano siya nagdaramdam dito at ang kanya na lamang gagawin ay harapin ito.

Nilinaw ni Parsons na hindi umano gimik ang sinasabing pagkawala ng kanyang .45 cal pistol matapos ang shootout dahil sa naihagis niya ito at nakuha ng mga tumakas na suspect.

Samantala, nalilito naman ang Malacañang kung dapat bigyan ni Pangulong Arroyo ng parangal si Parsons.

Ito ay matapos na magbigay ng komentaryo si MMDA chairman Bayani Fernando na umano’y hindi dapat paniwalaan ang bersyon ni Parsons.

"Huwag ninyong paniwalaan iyan, sira-ulo yan", ito ang komento umano ni Fernando kay Parsons, ayon sa isang opisyal sa Malacañang.

Binanggit umano ni Fernando ang ganitong komentaryo laban kay Parsons dahil balak ng Pangulo na bigyan ang aktor ng komendasyon sa ipinakita nitong katapangan nang makipaglaban sa grupo ng ‘Waray gang’ na nanloob sa kanyang bahay.

Magugunitang si Parsons ay naging konsehal sa Marikina noong alkalde pa rito si Fernando kaya posibleng may away pulitika ang dalawa. (Ulat nina Joy Cantos/ Ely Saludar)

BAYANI FERNANDO

BINANGGIT

ELY SALUDAR

FERNANDO

JOSE NABIULA

JOY CANTOS

KANYANG

MALACA

PARSONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with