Vendor hinostage ang misis, anak
July 19, 2002 | 12:00am
Hinostage ng isang naburyong na ama ang kanyang asawa at isang 4-anyos na anak kahapon ng hapon sa Caloocan City.
Matapos naman ang may tatlong oras na pagkabihag, napasuko din ni Caloocan Mayor Rey Malonzo ang hostage taker na si Leoner Romero, 38, vendor.
Base sa ulat, hinostage ni Romero ang kanyang mag-ina na sina Zenaida at anak na si Jimboy, 4, matapos na maaburido dahil sa takot na iiwan na siya ng kanyang asawa.
Napag-alaman na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa hanggang sa maaburido ang suspect at kumuha ng patalim saka hinostage ang kanyang mag-ina.
Sinabi naman ni Malonzo na nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot ang suspect nang isagawa nito ang panghohostage. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am