Sonny Parsons kumasa sa 'Waray-waray gang', 3 suspects todas
July 19, 2002 | 12:00am
Mistulang isang eksena sa maaksyong pelikulang dati niyang ginagampanan ang ginawang pakikipagbarilan kahapon ng aktor at dating Marikina City Councilor Sonny Parsons sa grupo ng anim na miyembro ng waray-waray gang na nanloob sa kanyang tahanan na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo sa mga suspect, kahapon ng umaga sa Marikina City.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakikilala ang dalawa sa nasawing suspect na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo.
Samantala, ang isa pang suspect na nakilalang si Joram Gacete, 24, ng Batasan Hills, Quezon City ay namatay habang ginagamot sa Rodriguez Memorial Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa magkabilang paa at sa tiyan.
Ligtas din naman ang dalawang anak na babae ni Parsons na tinangka pa umanong halayin ng mga suspect.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahay ng pamilya Parsons sa Bronze St. cor Rainbow, SSS Village Concepcion, Marikina City.
Napag-alaman na nakapasok sa loob ng tahanan ng mga Parsons ang mga suspect makaraang sabayan ng mga ito ang paglabas naman sa gate ng bunsong anak ng aktor na noon ay papasok sa eskuwela.
Nang buksan ang gate ay sabay-sabay na pumasok ang mga suspect at ginising saka itinali ang lahat ng tao roon kabilang ang aktor.
Nagsimulang maghalughog ang mga suspect at kinulimbat ang mga alahas, pera, magagandang damit at video camera.
Habang kinukulimbat ang kanilang mga gamit at pinagti-tripan pa ng mga ito ang kanyang dalawang anak na babae kung kaya naisip na lamang niya na i-psy-war ang mga suspect.
Binanggit umano nito sa mga suspect na kailangan nilang dalian dahil paparating na sa kanila ang Mobile car 140 na tuwing umaga ay sa bahay nila nagkakape.
Nataranta sa narinig ang mga suspect kung kaya mabilis na nagsitakas. Nang makalabas na ang mga ito sa bahay ni Parsons ay tiyempo namang nakalag sa pagkatali ang aktor at mabilis na kinuha ang kanyang kalibre .45 baril at hinabol ang mga suspect.
Nagtangkang sumakay ang mga suspect sa isang pampasaherong jeep na may biyaheng SSS Village-Stop and Shop subalit pinaputukan na sila ng aktor.
Nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang tatlo sa mga suspect. Tatlo pa sa mga suspect ang nakuhang makatakas.
Masuwerteng hindi tinamaan si Parsons at wala ring nadamay na ibang buhay.
Nabatid na si Parsons ay isang sharp-shooter at miyembro ng isang shooter gun club.
Si Parsons, Jose Parsons sa tunay na buhay ay dati ding naging miyembro ng Hagibis.
Kaugnay nito, patuloy naman ang ginagawa pang pagtugis sa mga nakatakas na kasamahan ng mga suspect.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended