^

Metro

Gualberto report kay Golez, Saycon itinanggi

-
Itinanggi kahapon ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Nestorio Gualberto na wala silang inilalabas na ulat ukol sa pagkakadawit nina National Security Adviser Roilo Golez at Council of Philippine Affairs (COPA) Secretary General Pastor "Boy" Saycon sa pagkapaslang kay Young Officers Union (YOU) spokesman Baron Cervantes.

Binanggit ni Gualberto na bagamat may ginawa silang ulat ukol sa isinagawang imbestigasyon sa kaso ay wala naman siyang natatandaang kasama sa mga nasasangkot ang pangalan nina Golez at Saycon.

Sinabi pa nito na nakahanda nilang iharap ang naturang report kung hihilingin ito ng Department of Justice (DOJ) sa pagsasagawa nito ng preliminary investigation sa pagpatay kay Cervantes.

Magugunitang sa isinumiteng affidavit ni Supt. Rafael Cardeño, RAM leader sa Department of Justice (DOJ) binanggit nito na may malaking kinalaman sina Golez at Saycon sa pagpaslang kay Cervantes.

Tauhan umano nina Golez at Saycon si Cervantes kaya’t tiyak na may nalalaman ang mga ito sa krimen.

Tinawanan lamang ito pareho nina Golez at Saycon kasabay nang pagsasabing gumagawa lamang ng paraan si Cardeño para makalusot sa isasagawang preliminary investigation sa kaso.

Pinalalabas din ni Golez si Cardeño sa pinagtataguan at harapin ang kaso.

Magugunitang si Cardeño at tatlong iba pa ang kinasuhan kaugnay sa pagpatay kay Cervantes noong nakalipas na Disyembre 31, 2001. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARON CERVANTES

COUNCIL OF PHILIPPINE AFFAIRS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GOLEZ

MAGUGUNITANG

NATIONAL SECURITY ADVISER ROILO GOLEZ

NESTORIO GUALBERTO

RAFAEL CARDE

SAYCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with