300 bading inihiwalay ng selda dahil sa kasong anal sex
July 18, 2002 | 12:00am
Tinatayang humigit-kumulang sa 300 mga bading na presong nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) ang tuluyang inihiwalay ng selda sa mga kalalakihan dahil sa ulat na talamak umano ang anal sex dito.
Ayon kay NBP director Ricardo Macala, ang naturang hakbang ay kanilang ginawa para na rin pigilan ang ilang mga kalaswaan ng mga bilanggo.
Ang aksyon naman ay ginawa ni Macala, matapos ang mga ulat na laganap na ang sakit sa mga preso dahil nga sa nagaganap dito na pakikipagtalik sa kapwa nila lalaki.
Inihayag pa nito na mahigpit na ipinagbabawal ng Pambansang Piitan ang anal sex sa mga inmate subalit may ilan na nakakalusot pa rin.
Dahil dito, naging mahigpit ang kautusan ng nasabing opisyal na papatawan ng kaparusahan, tatanggalan ng mga prebilehiyo at hindi mabibigyan ng conditional pardon ang sinumang preso na mahuhuli sa ganitong uri ng gawain.
Sa kabila nito, itinanggi naman ni Macala na may sakit na tulo ang ilang preso dito bunga nga ng nagaganap na anal sex.
Ayon sa kanya may regular na check up ang mga bilanggo at sa mga medical report ay walang iniuulat tungkol sa sakit na tulo.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest