^

Metro

2 lalaki pinatahimik ng sindikato

-
Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng isang grupo ng sindikato ang nilikida para patahimikin umano sa kanilang nalalaman sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto kamakalawa ng gabi sa bayan ng Navotas.

Kinilala lamang ng pulisya ang dalawang biktima sa mga alyas na Delfin at Edwin, pawang nasa hustong gulang at nangungupahan sa bahay ng isang Laureta Dimacalo ng Leongson Ext., Brgy. San Roque.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Eric Roxas, may hawak ng kaso, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng inuupahang kuwarto ng mga biktima sa naturang lugar.

Napag-alaman mula sa ilang kapitbahay ng mga biktima na ang dalawang nasawi ay bagong lipat pa lamang sa kanilang lugar at wala silang alam sa tunay na pagkatao ng mga ito.

Anila, bago maganap ang pamamaril ay may nakita silang dalawang di-nakikilalang lalaki na pumasok sa tinutuluyan ng mga biktima kung saan ay nakarinig sila ng mga katagang "marami na kayong nalalaman sa grupo" hanggang sa makarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril sa loob ng bahay ng mga namatay.

Ilang minuto matapos ang insidente ay kaagad na ipinagbigay-alam ng mga residente ang narinig nilang mga putok ng baril hanggang sa makita ang duguang katawan ng dalawang biktima na pawang may tama ng bala sa ulo at katawan at wala na rin ang dalawang salarin.

Nakarekober ang pulisya sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ng mga basyo ng kalibre .45 at 9mm kung saan hinihinila ng mga awtoridad na ang dalawang pinatay ay miyembro ng isang malaking sindikato na sinadyang nilikida upang patahimikin sa kanilang nalalaman sa operasyon na sindikatong kanilang kinaaaniban. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANILA

BATAY

BRGY

DALAWANG

ERIC ROXAS

LAURETA DIMACALO

LEONGSON EXT

ROSE TAMAYO

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with