^

Metro

Open letter ni Maganto kay GMA gawin siyang miyembro ng Gabinete

-
Umapela kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si dating Southern Police District Office (SPDO) Director, Chief Superintendent Romeo Maganto na pahabain pa ang kanyang serbisyo sa pamamagitan nang pagresolba ng umano’y lumalalang kriminalidad sa bansa.

Ito ang binanggit ni Maganto sa kanyang open letter kay GMA na nagsasaad din ng kahilingan niya na pagkalooban siya ng puwesto sa gabinete.

Upang makatulong sa pagresolba ng lumalalang krimen sa bansa, tulad ng kidnapping, droga, iligal na sugal, robbery-hold-up, pagtaas ng bilang ng panggagahasa at pagpatay.

Ang nais lamang aniya ng naturang heneral ay makapaglingkod sa publiko at makatulong sa administrasyong Arroyo, ngunit pilit umano siyang tinatapakan ng ilang opisyal na nasa posisyon, partikular sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Nabatid na ang dating SPDO director ay nakatakda nang magretiro sa susunod na taon.

Kasama rin ito sa nag-alsa laban kay dating Pangulong Joseph Estrada at sumama sa Edsa 2, na nag-martsa patungong Malacañang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CHIEF SUPERINTENDENT ROMEO MAGANTO

EDSA

KASAMA

LORDETH BONILLA

MAGANTO

PAMBANSANG PULISYA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SOUTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with