^

Metro

P10-M sunog sa pabrika sa Valenzuela City

-
Tinatayang nasa P10M halaga ng mga ari-arian at kagamitan ang tinupok ng apoy nang masunog ang isang pabrika habang kasagsagan ng bagyong Inday kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Sa ulat na nakalap kay FO1 Nelson Baguinon, Valenzuela City Central Fire-Tactical Operation Center, pasado alas-8 ng umaga nang tupukin ng apoy ang Omega Rho Industrial, nag-iimprenta ng mga plastic products na pag-aari ng isang Jovencio Lim at matatagpuan sa #665-C T. Santiago St., Brgy. Lingunan ng nasabing lungsod.

Batay sa isinagawang pagsisiyasat ni SFO3 Fedelito Minebe, Valenzuela Arson Division, nagsimula diumano ang sunog sa extrution department ng nasabing establisimiyento kung saan mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang mga nakaimbak na produkto.

Ang sunog ay tumagal nang humigit-kumulang sa dalawang oras na umabot sa ika-5 alarma at wala namang inulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente habang inaalam pa ang pinagmulan ng sunog. (Ulat ni Rose Tamayo)

C T

FEDELITO MINEBE

JOVENCIO LIM

NELSON BAGUINON

OMEGA RHO INDUSTRIAL

ROSE TAMAYO

SANTIAGO ST.

VALENZUELA ARSON DIVISION

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY CENTRAL FIRE-TACTICAL OPERATION CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with