Dalaga binaril ng amain dahil sa selos, bago nag-suicide
July 14, 2002 | 12:00am
Dahil sa selos at hindi matanggap ang pagkakaroon ng nobyo, binaril ng isang 43-anyos na lalaki ang kanyang stepdaughter bago ito nagpakamatay sa loob ng police station kamakalawa ng gabi sa Taguig.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Makati si Mario Osorio, ng Blk. 6, Lot 8, Brgy. Upper Bicutan ng bayang nabanggit dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre 9mm.
Samantala, ginagamot naman sa Makati Medical Center si Nerrisa Billones, 19, nang magtamo ng tama ng bala sa katawan.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Erron Baluat, Taguig Police, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa loob ng bahay ni Osorio.
Nabatid na nagselos at hindi umano matanggap ni Osorio ang pakikipagnobyo ni Billones dahil siya ang nagpalaki rito bilang ama-amahan.
Sa galit ni Osorio, kinuha nito ang nakatagong baril at pinaputukan ang biktima.
Matapos ang insidente, nagtungo si Osorio sa tanggapan ng Taguig Traffic Enforcement Group sa Tenement, Brgy. Upper Bicutan upang sumuko.
Ngunit dahil sa usig ng konsensiya, nagbaril ito sa ulo sa loob ng nabanggit na tanggapan.
Mabilis na dinala si Osorio ng ilang staff dito sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.
Si Billones naman ay dinala ng kanyang mga kaanak sa nasabing pagamutan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest