^

Metro

Kontaminadong gatas, dapat maalis agad sa pamilihan

-
Nanawagan kahapon si Senator Tessie Aquino-Oreta sa Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na alisin sa mga pamilihan ang kontaminadong gatas na produkto ng Gain upang maiwasan ang pinsalang idudulot nito sa mga bata.

Sinabi ni Sen. Oreta, dapat ay makipagtulungan ang DOH sa DTI at lokal na distributor ng nasabing kontaminadong gatas para madaling mahanap at malaman kung saan ipinamahagi o naibenta ang nasabing gatas.

Ayon kay Oreta, di sapat ang pagbibigay lamang ng babala ng DOH kundi mas marapat na magpalabas ang nasabing mga ahensya ng inspection team na titingin at magbabantay para mahanap at makuha ang mga kontaminadong gatas na nabenta sa mga retail outlets sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Idinagdag pa ng mambabatas, lumitaw sa pag-aaral ng Bureau of Foods and Drugs (BFAD) na may ilang produkto ng Gain milk na naibenta sa pamilihan ang kontaminado umano ng lubricating oil at shaved iron.

Kaagad nagpalabas ng babala ang DOH matapos makatanggap sila ng ulat mula sa Danish Veterinary and Food Administration na ang nasabing batch ng gatas na mula sa Denmark ay kontaminado habang iniimpake ito. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

DANISH VETERINARY AND FOOD ADMINISTRATION

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

IDINAGDAG

KAAGAD

NANAWAGAN

ORETA

RUDY ANDAL

SENATOR TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with