^

Metro

3 illegal recruiters timbog sa NAIA

-
Isa sa tatlong umano’y illegal recruiters na nahuli ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group (PNP-ASG) sa departure area ng NAIA Terminal 1 ang may reward na P1 milyon matapos mapag-alaman na may mga standing warrant ito sa Batangas.

Nakilala ang mga nahuling suspects na sina Diana Noay, 43, sinasabing utak ng grupo; Linda Malabanan, 48 at Alejandro Malijan, 33.

Sinabi ni Chief Supt. Marcelo Ele, PNP-ASG chief na dakong alas-9 kamakalawa ng gabi ng masakote ang mga suspect. Ito ay matapos ang may isang linggo nilang surveillance operation na isinagawa makaraang magreklamo sa kanilang tanggapan ang isang Marites Blanco na gustong biktimahin ng grupo na pinangakuang makakaalis patungong Italy. P280,000 ang hiningi ng grupo sa kanilang biktima.

Matapos mahulog sa entrapment operation nabatid pa na si Noay ay may standing warrant sa Batangas dahil na rin sa kasong large scale illegal recruitment at may patong pang P1 milyon sa ulo.

Nasamsam sa mga nadakip ang 15 pirasong Philippine passports, 3 Indonesian at isang Pakistani. (Ulat ni Butch Quejada)

ALEJANDRO MALIJAN

AVIATION SECURITY GROUP

BATANGAS

BUTCH QUEJADA

CHIEF SUPT

DIANA NOAY

ISA

LINDA MALABANAN

MARCELO ELE

MARITES BLANCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with