^

Metro

May asthma tumungga nang Baygon, todas

-
Dahil sa hindi makayanang sakit dulot ng asthma, minabuti ng isang bookies na magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng Baygon kamakalawa ng hapon sa Tondo, Manila.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Guillermo Bernales, 33 ng Baltazar St., ng nasabing lugar.

Ang biktima ay huling nakitang buhay dakong alas-10 ng umaga habang ito ay inaatake ng kanyang hika.

Tinanong pa umano si Bernales ng kanyang mga kamag-anak kung nais nitong magpadala sa hospital na tinanggihan naman nito at nagsabing iinom na lang siya ng gamot.

Subalit dakong ala-1:30 ng hapon nang matagpuan si Bernales na nakahandusay sa kuwarto na tangan ang Baygon. (Ulat nina Grace Amargo/Jesusa M. Quinto)

BALTAZAR ST.

BAYGON

BERNALES

DAHIL

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

GRACE AMARGO

GUILLERMO BERNALES

JESUSA M

SUBALIT

TINANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with