^

Metro

'Special parking force', itatag ng MMDA

-
Upang unti-unting maibsan ang lumalalang trapik sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, plano ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando na magtalaga ng mga ‘special parking forces’ na ang pagtutuunan lamang ay tamang pagpaparada.

Bukod sa mga kasalukuyan nang traffic enforcer, balak ni Fernando na bumuo ng special parking forces na gagabay sa mga motorista at huhuli din naman sa mga lumalabag.

Nabatid na bibigyan ng mga sasakyan ang mga itatalagang parking enforcer na siyang iikot sa buong Metro Manila upang mamonitor ang mga tamang pagpaparada.

Sa planong ito, hihingin ng MMDA ang tulong ng lokal na pamahalaan para sa mahigpit na pagpapatupad ng tamang pagpaparada.

Maghahanda din sila ng mga sign sa lansangan upang malaman ng mga motorista ang lugar na puwede at bawal paradahan.

Samantala, pormal nang isinailalim kahapon sa MMDA ang pangangasiwa sa lahat ng flood control projects at programa ng DPWH.

Ito ay matapos nang lumagda sa memorandum of agreement sina DPWH Secretary Simeon Datumanong at MMDA chairman Bayani Fernando kung saan napagkasunduang ilipat ang lahat ng functions at responsibilities para sa flood control sa buong Metro Manila kabilang na ang programa, proyekto, gayundin ang mga tauhan, pondo, equipment, facilities, records at assets ng naunang ahensiya.(Ulat ni Lordeth Bonilla at Jhay Mejias)

vuukle comment

BAYANI FERNANDO

BUKOD

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

FERNANDO

JHAY MEJIAS

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SECRETARY SIMEON DATUMANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with