^

Metro

Tricycle driver nagbigti dahil sa mga utang

-
Dahil sa wala nang mukhang ihaharap sa kanyang mga pinagkakautangan, nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti ang isang tricycle driver sa Pasig City kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Elino Abalora, 36, ng 64 Villa Tupaz, Barangay San Joaquin ng nabanggit na lungsod.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Fernan Clemente, may hawak ng kaso bandang alas-11:45 ng umaga ng makita ng anak ng nasawi na si Ariel ang labi ng kanyang ama na nakatali ng nylon cord at nakasabit sa kisame sa sala ng kanilang bahay. Lumitaw sa imbestigasyon na mabigat ang problemang pinansiyal at hindi na makayanang hirap nang buhay ang pangunahing motibo nang pagpapatiwakal ng biktima.

Binanggit pa ni Ariel na bago ang ginawang pagbibigti ng kanyang ama ay napansin na nila na palagi itong tulala at hindi halos makatulog dahil sa tindi ng pamomoroblema sa pera. Bukod pa ang napakarami na nilang pagkakautang at halos wala ng mukhang maiharap ang kanyang ama.

Gayunman, hindi inakala ni Ariel na mauuwi sa pagpapatiwakal ang paglaban ng kanyang ama sa problema. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY SAN JOAQUIN

BATAY

BINANGGIT

BUKOD

DAHIL

ELINO ABALORA

FERNAN CLEMENTE

JOY CANTOS

PASIG CITY

VILLA TUPAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with